Hindi pa pinal ang kasunduan ng AFP at Dito Telecommunity Corporation.
Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay kaya’t maaari pang ibasura ng mga mambabats ang naturang kasunduan kung magiging mapanganib ito sa seguridad ng bansa.
Sinabi ni Lorenzana na hinihintay pa niya ang pananaw ng mga senador hinggil sa kasunduang payagan ang nasabing Chinese firm na magtayo ng telecommunications facilities sa mga kampo ng militar.
Binigyan din aniya nila ang mga senador ng kopya ng kasunduan nila maging sa Smart at Globe na hiniling ng mga ito bago siya kumilos sa Dito MOA.
Ipinabatid ni Lorenzana na ang mga tower ng Dito ay ilalagay sa lugar kung saan naruon din ang towers ng Globe at Smart.