Lalagda ng Memorandum of Agreement ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa isang local shipping company upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang marginalized at underprivileged sectors sa bansa.
Ayon kay PCUP Chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr., magaganap ang MOA signing sa pagitan ng PCUP at Archipelago Philippine Ferries Corporation (APFC) sa Disyembre 7 kasabay ng pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week.
Matatandaang nakipagpulong si Jordan kina APFC general manager Segundo Mentoya Jr., vice president for marketing Christine Guevarra, at iba pang mga opisyal ng kompanya para talakayin ang kanilang pro-poor initiatives.
Sinabi ni Jordan na ang mga poverty alleviation programs ng PCUP ay ipatutupad sa susunod na taon bilang bahagi ng mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa agarang pagbangon ng ekonomiya at pagpapaunlad sa mga mahihirap na komunidad.