Lumagda na ang gobyerno at SM group ng Memorandum Of Agreement (MOA) para sa pagtatayo ng Integrated Pasay Monorail.
Ang nasabing proyekto ay ipinanukala ng SM group upang maibsan ang traffic congestion sa Metro Manila, bukod pa sa itatayo nilang EDSA-Tramo flyover extension project.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, magiging “interoperable” ang proyekto sa light rail transit line 1, Metro Rail Transit line 3, EDSA busway at EDSA greenways project.
Saklaw anya ang monorail ng regulatory supervision at oversight ng DOTr habang ang flyover ay isang hiwalay na kasunduan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ililipat naman ng Pasay City Local Government ang ownership ng proyekto sa national government matapos ang 50taon.
Dahil unsolicited project, walang gagastusin ang gobyerno sa pagpapatayo ng monorail. —sa panulat ni Drew Nacino