Pirmado na ng Pilipinas at Kuwait ang Memorandum of Agreement para sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Worker sa nasabing Gulf State.
Nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano at Kuwaiti Deputy Prime Minister at Foreign Minister Sheikh Sabah Khalid Al Hamad Al Sabah ang kasunduan sa kanilang paghaharap sa Kuwait, kahapon.
Sinaksihan din nina Labor Secretary Silvestre Bello, Presidential Spokesman Harry Roque at Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao ang paglagda sa MOA.
Magugunitang lumamig ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong mga nakalipas na linggo dahil sa ilang insidente ng pang-aabuso o pagkamatay ng ilang OFW na nauwi sa deployment ban ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.