Ilulunsad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang isang mobile application ang upang mas mapaigting ang seguridad ng mga manlalakbay.
Ayon kay LTFRB Public Assistance and Complaint Desk Head Arnel Del Rio, ang ‘safe ride app’, na binuo ng Galileo Software Inc., ay magbibigay-daan upang mas mapabilis ang pag-uulat ng mga manlalakbay ng mga paglabag na kanilang mamamataan habang sila’y nasa biyahe.
Ani Del Rio, iuugnay ang app sa 24/7 hotline ng ahensiya. Kapag pumasok ang reklamo, awtomatiko itong lilikha ng reference number.
Kapag naghain ng reklamo, nakaprograma ang app na tanungin ang nagrereklamo kung nais nitong dumalo sa pagdinig.
Sa loob ng limang araw matapos matanggap ng inirereklamo ang utos, dapat aniyang ipaliwanag ng inirereklamo kung bakit hindi ito dapat parusahan sa mga paglabag.
By Mariboy Ysibido