TUMAAS ang mobile at broadband global performance rankings ng Pilipinas noong Disyembre 2021.
Ito’y batay sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index kung saan mula sa 46.44 mbps noong Nobyembre ay bumilis pa sa 50.26 mbps ang fixed broadband sa bansa sa huling buwan ng nakaraang taon.
Nabatid na ang latest download speed ay katumbas ng 8.22% month-to-month at 9-notch improvement sa global ranking para safixed broadband.
Maliban dito, bumuti rin ang mobile speed sa bansa na nakapagtala ng download speed na 19.20mbps mula sa 18.68mbps kung saan ang latest download speed ay nagkaroon ng 2.78% month-to-month increase sa speed para sa mobile.
Dahil dito, umakyat sa ika-63 ang Pilipinas sa fixed broadband speed mula sa 178 na bansa at pang-89 sa mobile speed mula sa 138 na bansa.