Patuloy ang pagpapadala ng Fortune Life Insurance Company ng mga mobile clinics sa mga paaralan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Layon nito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga guro bilang pagkilala sa pagkalingang ibinibigay nila sa mga kabataan.
Ang health services ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga guro na miyembro Fortune Medicare Inc o Fortune Care at Insurance Policyholder ng Fortune Life.
Ngayong taon lamang, umaabot na sa isang libo pitong daang (1,700) guro ang napagsilbihan na ng mobile clinics.
By Len Aguirre