Kasado na ang pagsisimula ng Mobile Number Portability Act o MNPA bukas, Setyembre 30.
Ibig sabihin nito ay puwede nang magpalit ng service provider kahit hindi magpalit ng lumang cellphone number.
Kaugnay nito, nagpaalala si Sen. Sherwin Gatchalian, author ng batas, sa mga telecommunication company na ingatan ang mga personal na impormasyon ng mga mobile subscribers.
Dapat aniyang tiyakin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer na magpapalit ng service provider.