Pansamantalang pinutol ng Smart Communication at Globe Telecom ang kanilang serbisyo sa Cebu City bilang bahagi ng seguridad sa pagdiriwang ng Sinulog Festival.
Batay sa abiso ng Smart , pansamantala munang hindi makagagamit ng kanilang serbisyo ang mga subscribers ng Smart, Sun at TNT sa Cebu, Mandaue , Talisay at Mactan.
Ganito rin ang naging abiso ng Globe kung saan pinutol muna ang signal ng mobile phone ng Globe , Home LTE at prepaid wifi services sa ilang bahagi ng lungsod at kalapit na lugar.
Samantala , nawala din ang linya ng komunikasyon ng Globe sa ilang bahagi ng Aklan kaugnay naman sa pagdiriwang ng Ati – Atihan Festival.
Tiniyak naman ng dalawang Telcom na maibabalik ang kanilang serbisyo sa oras na magbigay na ng go signal ang NTC o National Telecommunication Commission