Ikakasa ng Rural Health Unit ang Mobile Vaccination sa Castillejos, Zambales para sa mga bedridden senior citizens at iba pang indibidwal na nakaratay dahil sa karamdaman.
Magsisimula bukas, Pebrero a-9 ang pagbabakuna bilang tugon sa pagpapataas ng Vaccination rate ng bansa.
Para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19, maaaring makaipag-ugnayan at magpalista sa mga Barangay o kaya ay direktang tumawag sa hotline na 09381902359 para mapuntahan ng Vaccination Team. —sa panulat ni Angelica Doctolero