Sinimulan na ngayong araw ang health caravan Ng Philippine Red Cross para magkaloob ng bakuna sa adult population sa Novaliches.
Maghapon na magbibigay ng COVID-19 vaccine mula first dose hanggang booster shots ang red cross gamit ang Pfizer, Moderna at Johnson&Johnson.
Bukod dito magsasagawa rin ng medical services tulad ng medical mission, bloodletting at iba pa.
Bukas naman ang naturang bakunahan sa lahat kabilang na ang mga walk-in na nais magpabakuna. – sa panulat ni Mara Valle