Dapat magpatupad ng mobility restrictions sa mga indibidwal na hindi pa nagpapa-booster dose kontra COVID-19.
Mungkahi ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa gitna ng bumabang vaccination rate at nagbabadyang expiration ng 27 million vaccine doses sa Hulyo.
Ayon kay Concepcion, bagaman hindi maaaring pilitin ang mga tao na magpabakuna, maaari namang ipagpatuloy ang mga dati ng hakbang at kabilang na ang paghihigpit sa mga hindi pa nagpa-booster.
Ipinanukala rin ng opisyal ang pagbibigay ng insentibo sa mga nakapagpa-booster na.
Samantala, kinatigan ni Philippine College of Physician President, Dr. Maricar Limpin ang hirit ni Concepcion at sinabing ang insentibo at restriksyon ang pinakamagandang paraan upang mahikayat ang publiko na magpaturok ng booster.