Binatikos ng mga netizens si Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa maling larawan sa isa nitong post sa social media.
Sa naturang post makikita ang hanay ng mga umano’y sundalo na nakayuko at nakaluhod habang taimtim na nagdarasal na nilagyan ng caption ni Uson na humihiling ng dasal sa publiko para sa kaligtasan ng mga ito.
Gayunman, sinabi ng ilang netizens na hindi naman mga Pilipinong sundalo ang nasa larawan bagkus ay miyembro ito ng Honduras Police.
Iginiit ng mga netizens na bilang opisyal ng gobyerno ay hindi ito dapat nagpapakalat ng tinawag nilang fake news.
Pumalag naman dito sa Mocha at inihirit na simbolismo lamang ang larawan at hindi niya binanggit na mga miyembro ito ng Philippine Army.
By Rianne Briones
Mocha Uson binatikos sa “fake news” post nito was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882