Pormal nang naging bahagi ng Duterte administration ang sexy singer at blogger na si Mocha Uson.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar ang pagtatalaga kay Mocha bilang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member.
Natanggap na rin umano ni MTRCB Chairman Eugenio Toto Villareal ang appoitnment ni Mocha na may lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang si Mocha sa hanay ng mga celebrities supporter ng Pangulo na nabigyan ng posisyon sa gobyerno tulad nila Aiza Seguerra, Arnel ignAcio, Kat de Castro , Jimmy Bondoc at Liza Diño.
By Rianne Briones