Malaya si Mocha Uson na umalis sa kanyang posisyon bilang isa sa mga directors ng Movie Television Review and Classifications Board (MTRCB) kung hindi nito makasundo ang mga kasama.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng pahiwatig ni Mocha na hindi siya kapit-tuko sa kanyang posisyon.
Ayon kay Abella, hindi niya alam ang tunay na isyu sa naging pahayag ni Mocha pero kung sa pakiramdam nito ay gustong iwanan ang puwesto ay nasa kanya na ito.
Pero sa pagkakaalam aniya ni Abella, patuloy pa rin itong susuporta sa mga adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte sa abot ng kanyang makakaya.
By: Aileen Taliping