Patuloy na nagpi-perform sa isang casino si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson kasama ang kanyang sexy girl group na Mocha Girls.
Batay sa promotional site ng Resorts World Manila, tinukoy nito na nagtatanghal ang Mocha Girls sa Bar 360 na matatagpuan sa gaming area ng naturang hotel tuwing Martes ng gabi.
Mariing kinondena ng ilang netizens ang ginagawang ito ni Uson dahil mahigpit na ipinagbabawal ng Presidential Decree Number 1067 – B ang pagpasok at paglalaro ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno sa mga casino.
Nananatili namang tahimik si Uson sa isyu gayundin si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
AR / DWIZ 882