Nahaharap ngayon sa kasong administratibo si Communications Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson dahil pagpapakalat umano nito ng mga maling impormasyon habang nasa tungkulin.
Kasunod ito ng pagsasampa ng kasong gross misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of public service ng Akbayan Youth laban kay Uson sa tanggapan ng Ombudsman.
Sa inihaing reklamo ng Akbayan Youth, kanilang iginiit ang pagpapatalsik sa pwesto ni Uson dahil sa pagamit umano nito ng kanyang posisyon para magpakalat ng fake news.
Salungat din anila sa mandato ng Presidential Communications Operations Office ang mga ginagawa at inilalathala maling impormasyon ni Uson sa kanyang online page.
Asec.Mocha Uson kinasuhan ng Akbayan youth sa Ombuds. ng grave misconduct, serious dishonesty gusto din ipa-dismiss dahil sa pagpakalat ng Fake news @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) April 2, 2018