Nilinaw ni Mocha Uson na walang inialok na posisyon sa kanya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kinontra ni Uson ang mga batikos na inilaglag siya ni Faeldon makaraang umani ng negatibong reaksyon ang di umano’y pagtatalaga sa kanya bilang social media consultant ng BOC kayat binawi nito ang ibinigay sa kanyang appointment.
Ayon kay Uson, siya mismo ang nag-alok ng tulong sa BOC kung paano mapapalaganap ang mga impormasyon para sa mga OFW’s na nabibiktima ng pangingikil sa Customs sa pamamagitan ng kanyang facebook page.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Uson
Kasabay nito ay binuweltahan ni Uson ang kanyang bashers sa social media.
Sa halip anya na ubusin nila ang kanilang oras sa pangbabash, mas makakabuti kung sumama sila sa kanya at tumulong sa pamahalaan nang walang hinihinging kapalit.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Yuson
By Len Aguirre | Ratsada Balita