Aarangkada na sa ika-31 ng Enero ang ‘mock bar examinations’ ng Korte Suprema.
Ayon sa Supreme Court (SC), ito’y bilang bilang paghahanda para sa kauna-unahang digitalized bar examination na idaraos sa November 2021.
Katuwang ang Philippine Associate of Law Schools (PALS), isasagawa ng mataas na hukuman ang mock test na lalahukan ng 120 students sa Baguio City, Metro Manila, Cebu, at Davao.
Bubuksan ang online portal ng Kataas-taasang Hukuman para sa mga gustong sumali sa mga aktibidad simula ika-12 ng Enero kung saan itinakda naman ang deadline ng aplikasyon sa ika-20 ng Enero.
Samantala, nilinaw naman ng Korte Suprema na ang makukuhang grado ng mga examinees sa mock bar exams ay hindi isasama sa aktuwal na bar examinations at wala ring merit o demerit na matatanggap ang mga lalahok na estudyante.