Magsasagawa ng mock elections ang Commission on Elections (COMELEC) bukas, Pebrero 13 sa 20 lugar sa bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, makatutulong ang mock elections upang mapahusay pa ang procedure sa bawat polling at canvassing centers sa panahon ng halalan.
Kabilang sa mga barangay na pagdarausan ng mock elections ang Tuktukan at Western Bicutan sa Taguig City, Poblacion at Aguho sa Pateros, Bagong Pag-asa at San Isidro Labrador sa Quezon City, at ang Barangay 669 at 649 sa Maynila.
Idaraos din ang mock elections sa Poblacion Oeste at Pugaro sa Dagupan City, gayundin sa Poblacion at Linmansangan sa Alaminos, Pangasinan; Centro 1 (Poblacion) at Nambalan Norte sa Tuguegarao City, Centro 1 (Poblacion) at Paddaya sa Aparri, Cagayan; Poblacion at Osiao sa Sorsogon City; at Camcaman at Calintaan sa Matnog, gayundin ang Sorsogon, Albay.
Tinatayang mahigit 25,000 botante ang lalahok sa mock elections bukas.
By Meann Tanbio