Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mock elections sa 25 lungsod sa bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, kabilang dito ang presinto sa Baseco sa Maynila, kung saan full scale elections ang gagawin dito.
Sinabi ni Bautista na mayroon din mock elections sa Robinson’s Ermita, upang masubukan ang pagboto sa mga mall.
Ang mock elections sa ilang presinto na may tig-100 botante lamang ay nagtapos ng tanghali, habang mamayang ala-5:00 ng hapon naman isasara ang presinto sa dalawang clustered precincts, kung saan ang isa ay nasa QC.
“Just like in an ordinary election, I don’t think everybody will be going so we’ll also see kung ano yung turn out at the same time we’re also conducting time and motion studies just to find out how fast people will be able to finish answering ballots, 2 lang ang full cluster na gagamitin namin, isa sa Quezon City at isa sa Manila.” Ani Bautista.
Source code
Tiniyak din ni COMELEC Chairman Andy Bautista na nananatili silang bukas sa dayalogo sa stakeholders ng eleksyon.
Ito ay matapos nilang maisumite sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang source code na gagamitin sa darating na halalan.
Ipinaliwanag ni Bautista na ang pagbibigay ng source code sa Bangko Sentral ay upang magkaroon ng orihinal kopya sakaling mayroong mga kumiwestyon sa integridad nito pagsapit ng halalan.
“Kami naman ay bukas sa isang dialogue at yung aming pag-deposit ng source code this is required by law na kailangan pagkatapos nung trusted build dapat idedeposito agad yung source code but again if there are other glitches that will be found along the way, we may have to rebuild the source code again.” Pahayag ni Bautista
***
Samantala, normal lang na hindi maging pulido ang mock elections ng Commission on Elections (COMELEC) sa 40 polling areas ngayong araw.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ito ay dahil ngayon nila malalaman ang mga posibleng problema ng automated voting system.
Sinabi ni Jimenez na kanilang gagamitin ang pagkakataong ito para ma-detect at agad maayos ang mga posibleng problema sa makina, na gagamitin sa Mayo.
By Katrina Valle | Sapol | Aya Yupangco (Patrol 5)
*Photo Credit: Comelec