Patay ang 29 anyos na modelo at negosyanteng si Shiryl Saturnino makaraang sumailalim sa liposuction, breast at butt surgery.
Pasado alas 3:00 ng madaling araw kahapon nang ideklarang dead on arrival si Saturnino nang isugod ito sa Makati Medical Center.
Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Senior Supt. Jose Alva, Sabado ng hapon nang magtungo si Saturnino sa Icon Clinic sa Mandaluyong para ipaayos ang kanyang katawan.
Tumagal ng hanggang alas 2:40 ng madaling araw ng Linggo ang operasyon kay Saturnino kung saan, napansin ng mga doktor na sina Samuel Eric Yapjuangco at Jose Mendiola na hindi na humihinga ang pasyente.
Hinihintay pa ngayon ng Mandaluyong Police ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon at kung may foul play sa panig ng mga doktor na nag-opera kay Saturnino.
By Jaymark Dagala