Nagkakasa na ng Model of Intervention ang DSWD kaugnay sa isyu ng unintended pregnancy.
Ipinabatid ni DSWD Undersecretary Luzviminda Ilagan na ang nasabing model ay kontribusyon ng kanilang ahensya para sa social protection ng Filipino adolescents.
Sinabi ni Ilagan na mahalagang maipagpatuloy ang mga programa para tugunan ang unintended pregnancy lalo na’t mahigpit naman ang ugnayan ng mga kinauukulang ahensya sa pangunguna ng Population Commission (POPCOM).