Posible pang bumaba ang COVID-19 risk level ng Metro Manila sa “moderate risk” classification sa araw ng mga puso, February 14.
Ito, ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, ay dahil sa pagbaba ng mga bagong kaso.
Bahagya na anyang bumabagal ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila habang bumaba na sa 1.03 ang reproduction rate na isang mabuting senyales katulad ng nangyari sa South Africa.
Gayunman, nilinaw ni David na premature pa kung isasailalim ang NCR sa Alert level 2 sa unang linggo ng Pebrero lalo’t ang average cases ay 2K per day.