Mahalagang magpatupad ng moderno at episyenteng railway system upang masolusyunan ang lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ito, ayon kay Senator JV Ejercito sa harap na rin ng sinabi ng American Chamber of Commerce na sa loob ng 4 na taon ay hindi na angkop na tirhan ang Maynila dahil sa malubhang suliranin sa trapiko.
Giit ni Ejercito, magandang solusyon ang pagsasaayos ng mga tren dahil bukod sa magdudulot ito ng pag-unlad sa kalakhang Maynila ay mapapaluwag din nito ang mga paliparan at pantalan.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)