Ilulunsad sa Lunes ng Department of Budget and Management (DBM) ang mas modernong version ng PhilGEPS o Philippine Government Electronic Procurement System.
Sa PhilGEPS inilalagay ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga proyekto o produkto na kailangan ng pamahalaan upang makapaghain ng kanilang bid ang mga suppliers.
Ayon kay Budget Undersecretary Lilia Guillermo, ang dating PhilGEPS 1.0 ay tatawagin na ngayong PhilGEPS 1.5.
Tinutugunan ng bagong website ang reklamo ng mga users tulad ng mabagal na sistema at hirap sa pag-access.
—-