Handa ang dalawa pang American Biopharmaceutical Firms na Moderna at Arcturus na magsuplay ng 4-milyon hanggang 25-milyon coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, inaasahang magiging available na ang naturang mga bakuna sa simula ng third quarter ng 2021.
Ani Romualdez, umaasa silang maikukunsidera ng gobyerno ang pagsama ng naturang mga bakuna sa kukunin ng bansa.
Sa susunod na taon target ng gobyerno na simula ang COVID-19 vaccination program sa bansa.