Hinimok ng isang health reform advocate ang gobyerno na paghandaan na ang rollout ng bivalent COVID-19 vaccine na moderna sa mga liblib na lugar sa Pilipinas.
Ito ay matapos kumpirmahin ng moderna company na posibleng sa nobyembre na dumating ang mga bakuna sa bansa.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dapat tularan ng Pilipinas ang estratehiya na ginawa ng Singapore na nakapagpamahagi na ng Bivalent Moderna/Spikevax vaccine sa ilang sektor ngayong buwan.
Ang Singapore ang isa mga bansa na nakapagtala ng muling COVID-19 surge dahil sa OMICRON subvariant XBB.
Matatandaang sa datos ng DOH noong linggo, papalo sa 81 omicron subvariant XBB at 193 varianrt XBC ang naitala sa Pilipinas na recombinant ng mga naunang COVID-19 virus.