Lumabas sa isang pagsusuri ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mas matagal ang proteksyong maibibigay ng Moderna COVID-19 vaccines kumpara sa Pfizer.
Isinagawa ng CDC researchers ang pag-aaral sa mahigit 3,000 indibidwal na naitalang may severe cases mula 11 ng Marso hanggang akinse ng Agosto.
Sa naturang bilang, nasa 12.9% sa mga ito ang bakunado ng Moderna habang 20.0% naman ang bakunado ng Pfizer at 3.1% ang bakunado ng Johnson & Johnson.
Bukod dito, napagalaman din sa naturang pag-aaral ang iba’t ibang antibodies na nilalaman ng mga nasabing bakuna.
Ang Moderna ay may mas mataas na lebel ng antibodies kumpara sa Pfizer at J&J.