Inaasahang mas maagang makapagde-deliver ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa ang kumpanyang Moderna.
Ayon Kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa halip na Setyembre ay posibleng dumating na sa Mayo ang COVID-19 vaccine ng Moderna.
Napakiusapan kasi aniya ng pamahalaan ang Moderna na makapag deliver ng mas maaga sa bansa ng kanilang bakuna.
Ipinagmalaki ni Galvez na dahil sa patuloy nilang pakikipag negosasyon sa Moderna, nakuha nila ang commitment nito na makapag-deliver na sa Mayo ng kanilang bakuna.