Pinag-aaralan ng Food and Drugs Administration o FDA kung bibigyan ng Emergency Use Authorization o EUA ang moderna COVID-19 para magamit sa edad na 12 hanggang 17 taong gulang.
Ayon kay FDA director general eric domingo na nakapagsumite na ng aplikasyon ang US vaccine developer ng moderna noong 19 ng Agosto.
Inaasahang makukumpleto ng FDA ang isinasagawang evaluation ng mga clinical data na isinumite ng moderna sa mga susunod na linggo.
Magugunitang unang inaprubahan ng FDA ang paggamit ng Pfizer-biontech vaccine sa 12 hanggang 15 taong gulang.
Kung sakaling maaprubahan ang naturang EUA ay ikalawa na ang moderna sa bakunang maaaring gamitin sa mga may edad na 12 hanggang 17 anyos.
Samantala, nilinaw ng FDA na kahit makakuha ng approval ang moderna ay hindi ibig sabihin nito na maaari na itong magamit sa nabanggit na edad dahil mas prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ay ang mga nasa priority list.