Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na makumpleto ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bago matapos ang kaniyang termino sa 2022.
Ito ang inihayag ng pangulo matapos pangunahan ang ika-72 anibersaryo ng Philippine Air Force sa Villamor Airbase sa Pasay City, kahapon.
Ayon sa pangulo, sisikapin niyang makumpleto ang mga kagamitan ng AFP.
Kabilang sa planong bilhin ng pangulo ay ang A-29B Super Tucano Aircraft at panibagong air defense surveillance radar system.
Aniya, hindi niya tiyak kung magiging prayoridad ba ito ng susunod sa kaniyang mamumuno.
I assure you that this administration will continue to pursue all efforts to enhance your capabilities against these threats through modernization and capacity building initiatives such as the military pilot training and your conduct for all qualified student officers, thereby assuring a strong future for our air force,” ani Duterte.