Wala nang makakapigil sa modernisasyon ng jeepney sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Binigyang diin ito ni Chairman Martin Delgra ng LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board sa harap ng panibagong welga ng No to Jeepney Phaseout Coalition.
Ayon kay Delgra, ang tanging isinusulong ng mga transport groups ay ang interes ng operators at drivers samantalang ang modernisasyon ng jeepney ay para sa mas nakararaming mananakay.
Muling nilinaw ng LTFRB na hindi phaseout ang mangyayari sa jeepney kundi papalitan lamang ito ng environment friendly jeepneys.
By Len Aguirre
Modernisasyon ng jeepney di mapipigilan ng transport strikes was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882