Inamin ng pamahalaan ang tunay na intensyon kung bakit ipinagbabawal ang pagpasada ng mga jeepneys.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na base sa paliwanag ng Department of Transportation (DOTr), layon nito na maisulong ang modernisasyon ng jeepneys.
Matatandaan na sa inilatag na plano ng DOTr, tanging ang mga modern jeepneys ang papayagang makapagbiyahe pagsapit ng June 22 kasama ng mga bus at iba pang uri ng transportasyon.
Ang talagang intention sa pag-explain ng DOTr ay ma-encourage nga yung jeepney modernization on public utility vehicle so, doon talaga nakabase yung hinaharap ng ating jeepney drivers kaya sana magkatulungan at merong government programs that will encourage yung pagbili, pag-acquire, financing ng mga modern public utility vehicles,” ani Lopez.