Isusulong ni Senator-Elect Raffy Tulfo ang paglalaan ng mas malaking pondo para sa modernisasyon ng mga korte.
Ayon kay Tulfo, kailangan ng digitization, computerization, mas mabilis na komunikasyon at mas maraming pasilidad para sa hudikatura.
Ito, anya, ay upang maraming korte ang makapagsagawa ng paglilitis online o sa pamamagitan ng video conferencing.
Tinukoy din ng bagong-halal na senador ang pangangailan para sa Court on Wheels upang mapabilis ang mga paglilitis at mapalaya agad ang mga nabibilanggo na maaaring inosente sa kaso. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)