Ipinagmalaki ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na aabot sa 60.14 na bilyong piso ang ibinuhos na pondo ni Pangulong Benigno Aquino III para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Gazmin, masaya siya sa suportang ibinigay ng Pangulo sa sandatahang lakas na nagpataas aniya ng kakayahan ng ating mga sundalo.
Sinabi ni Gazmin na kontento siyang iiwan ang AFP kasabay ng pagbaba sa pwesto ng Pangulong Aquino sa June 30 dahil sa magandang kalagayan na ngayon ng militar.
Sa panayam naman ng DWIZ kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, binigyang diin nito na hindi kayang tumbasan ng tatlong nagdaang administrasyon ang modernisayasong naipatupad ng Pangulong Aquino sa loob lamang ng anim na taong panunungkulan nito.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
By Ralph Obina