Tanging modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakikitang solusyon ni Baguio City Mayor at dating Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief Benjie Magalong para maresolba ang katiwalian sa ahensya.
Ayon kay Magalong, hindi na epektibo sa talamak na problema sa New Bilibid Prisons ang mga simpleng CCTV o jammer lamang.
Maaari anyang malaki ang pondo ang kailangan para sa modernisasyon pero bale wala ito kumpara sa benepisyong makukuha mula rito.
Lagyan ng artificial intelligence, ‘yung meron siyang facial recognition, data analytics, video analytics, pati ‘yung kung gusto mong madetect kung ilang beses bang pumunta ito sa ospital dahil karamihan pagka tinatanong sila ay ‘hindi po ako nagpupunta sa ospital o ‘di po kami nag-uusap ng doktor na ‘yan’,” ani Magalong.
Sa pamamagitan anya ng ‘state of the art technology’, maaring maresolba ang mga transaksyon sa illegal drugs.
Ang mga tao ‘pag tinanong mo, magsisinungaling, pero ‘yung teknolohiya hindi magsisinungaling ‘yan,” ani Magalong. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas