Dapat na isuspinde muna ang modernization program ng gobyerno sa mga pampasaherong jeep kung saan bawal ng gamitin ang mga 15-year-old jeepneys.
Ayon kay Senator Kiko Pangilinan huwag munang palitan ang mga lumang jeep hanggang sa makabawi ang mga tsuper at operator na labis na naapektuhan ng mga lockdown dahil sa pandemya at ng linggo-linggong pagtaas ng presyo ng langis.
Giit ni Pangilinan, hirap na hirap na ang ating mga tsuper at operator, hindi pa nga anya nakababawi ang mga ito dahil sa limitadong pasahero noong lockdown. Ngayon naman, sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng krudo.
Ayon Pangilinan, kawawa naman ang ating mga tsuper kaya makabubuting hayaan muna nating makabawi sa sunod-sunod na mga krisis ang ating mga transportation front-liners.
Ayon sa senador, bagama’t kumporme siya sa modernisasyon ng ating public transport, pero hindi anya dapat na bigyan ng karagdagang pasanin ang ating mga pasahero at drivers sa panahong ito.