Pormal nang pinasinayaan ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines ang 41 modernong aircraft rescue & fire fighting machines.
Ayon kay Ret. Gen. Rodante Joya, Deputy Director General for Operations, ide-deploy ang mga firefighting vehicles sa mga paliparan sa bansa.
Paliwanag ni Joya, pupunan ng CAAP ang security requirements ng mga paliparan para sa kapakanan at kalitasan ng mga manlalakbay.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)