Bukas na sa publiko ang modernong humanitarian ship ng Philippine Red Cross na MV Amazing Grace.
Na-acquire ng red cross ang nasabing barko mula sa Estados Unidos sa tulong ng Red Crescent Society, mga counterpart sa Japan, Britanya, Amerika at Germany.
May kapasidad ang humanitarian ship na mag-karga ng bigat na hanggang 35 tons o katumbas ng mahigit isandaan dalawampung (120) pasahero at iba’t ibang sasakyan.
Dahil dito, mapapabilis na ang rescue at relief operations ng Red Cross lalo sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo.
Magsisilbi rin ang MV Amazing Grace na floating hospital, medical facility at deployment ship.
By Drew Nacino |With Report from Aya Yupangco
Photo Credit: Sen. Richard Gordon Twitter Account