Isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang makabagong pamamahala sa gobyerno para sa susunod na taon.
Iginiit ni PBBM na kailangang ipagpatuloy ang pagsasamoderno ng structural changes ng gobyerno dahil obsolete na ito o luma na.
Binigyang diin pa ng pangulo na mahalaga ang structural changes dahil makakatulong ito sa pagre-adjust, halimbawa ng fiscal policy, monetary policy at spending policy.
Ito, aniya ay hakbang para tuluyan nang makalagpas sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Naniniwala rin ang pangulo na ang ginagawang structural changes ay may malaking epekto sa pamamahala sa gobyerno para sa susunod na taon. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)