Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapasinaya sa bago at modernong Apo Production Unit at High Security Printing Plant na ginagamit sa e-passport system, BIR tax stamp, at iba pang pang-dokumentong gamit ng gobyerno sa Malvar, Batangas.
Pakikinabangan ang pasilidad ng mga OFW’s na tinatayang nasa 10 milyon ang bilang.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na malaki ang tulong ng planta na mapabilis ang proseso ng serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno lalo na para sa pasaporte.
Bilang paunang sample, si Pangulong Aquino ang unang nabigyan ng e-passport sa ginawang demonstrasyon na natapos sa loob lamang ng 2 minuto matapos makuha ang kanyang impormasyon at biometrics.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)