Muling ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, kanilang nauunawaan na marami pa rin ang nahihirapang sumakay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Dahil dito, hindi muna nila nais na dagdagan pa ang isipin ng mga motorista dahil sa nakatakda sanang pagpapatupad ng modified number coding scheme simula bukas, Hunyo 8.
Kasabay nito, sinabi ni pialago na patuloy naman ang paglalatag ng Department of Transportation ng mga karagdagang ruta ng mga bus.
Batay sa guidelines ng MMDA, exempted sa modified number coding scheme ang mga pribadong sasakyang may dalawa o higit pang sakay kasama ang drivers at mga sasakyang pagmamay-ari ng mga doktor, nurse, at iba pang medical personnel.