Nagsasagawa na ang Land Transportation Office o LTO ng modification sa tests para sa mga nag-a-apply ng drivers license.
Ito, ayon kay LTO chief Edgar Galvante, ay upang matiyak na magiging kwalipikadong humawak ng manibela at magmaneho ng kanilang mga napiling sasakyan ang sinumang sasailalim sa pagsusulit.
Nais anya nilang maging mas malinaw ang questionnaire para sa mga aplikante at isa sa mga itatanong ay kung anong partikular na sasakyan ang iyong i-mamaneho o nakabatay ang examination sa vehicle type.
Noong isang taon, umanot sa mahigit lima punto walong milyong lisensya ang inissue ng LTO kung saan 2.3 million ay professional habang 1.6 million ang nonprofessional.
Samantala, posibleng ipag-utos na rin ng LTO sa mga driving school na kumuha lamang ng mga instructor na may certification ng technical education and skills development authority upang isaayos ang kalidad ng pagtuturo.
By Drew Nacino
Modification sa pagsusulit para sa mga mag-aapply ng driver’s license isinasagawa na was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882