Magpapatupad ng modified checkpoints ang Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) sa Metro Manila at iba pang urban areas sa buong bansa upang maiwasan ang traffic congestion.
Ayon kay JTF CV Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, inaasahan na nila ang pagkakaroon ng mahabang pila ng mga sasakyan sa mga Quarantine Control Points (QCPs) dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) na epektibo mula noong Mayo 16.
Aniya, sa ngayon ay mayroon nang mahigit 4,000 QCPs sa iba’t ibang panig ng bansa upang makontrol ang galaw ng mga tao sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).