Muling isinusulong ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pagpapatupad ng “modified community quarantine” sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Leviste, kanya nang iminungkahi ito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para mabuksan nang muli ang komersiyo at maibalik na ang transportasyon sa mga bayan ng Batangas na walang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Leviste, 14 sa 34 na mga bayan at lungsod sa Batangas ang maituturing nang COVID-19 free.
Kabilang aniya rito ang Calatagan, Tuy, Balayan, Laurel, Talisay, San Nicolas, San Luis, Sta. Teresita, Tingloy, Taysan, Ibaan, Rosario, Agoncillo at Balete.
Iginiit naman ni Leviste na sa ilalim ng modified community quarantine magkakaroon na rin ng mga border o inter-border checkpoints at lockdown.