Mananatili sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa Mayo 31 ang Metro Manila, Laguna at Cebu City.
Gayunman, sa anunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, magiging modified ECQ ang ipatutupad sa NCR, Laguna at Cebu City.
Ibig anyang sabihin ng modified ECQ ay unti unti na ring bubuksan ang ekonomiya at papayagan nang magbukas ang ilang manufacturing at processing plants.
Gayunman, sinabi Roque na limitado lamang ang operasyon ng mga ito sa 50%.
Dahan-dahan rin anyang bubuksan ang transportasyon para sa mga manggagawa ng mga magbubukas na industriya.
Sa ilalim ng modified ECQ, limitado ang movement ng tao para sa pagkuha ng essential services and work. Ang pagkakaiba, bubuksan natin unti-unti ang ekonomiya magkakaroon ng operasyon ang piling manufacturing at processing plants up to a maximum of 50%, magkakaroon din tayo syempre dahil may mga pasok na ang ilang industriya sa modified ECQ, ng kaunting limited transportation services, suspendido pa rin ang lahat ng klase sa lahat ng antas ,” ani Roque.
Samantala, general quarantine ang ipatutupad sa iba pang bahagi ng Luzon, Region 2, Region 3 maliban sa Angeles na kailangan pang i-asses sa May 14 at Region 4-A maliban sa Cavite na isasalang rin sa assessment.
GCQ rin ang Region 7 sa Visayas, Regions 9,11 at 13 sa Mindanao.
Samantala, tinanggal na sa quarantine enhanced man o general sa mga sumusunod na lugar.
Region 1, Region 4-B, Region 5 maliban sa Albay at Legaspi City na isasalang pa sa assessment sa May 14, Regions 6, 8, 10, 12 at BARMM.
Now, lahat ng mga probinsya, mga highly urbanized city, yung mga independent component cities na na-characterized as low, moderate at high risk; low yung green, moderate yung yellow, at ang high risk ay pula may appeal the classification to the IATF screening and validation committee with the concurrence of the regional IATF,” ani Roque.