Pabor ang ilang mambabatas sa pagkakasa ng modified enhanced community quarantine (ECQ) matapos ang Luzon-wide sa Abril 30.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson pabor siya sa modified ecq na mayruon pa rin social distancing para ma balanse ang isyu ng pampublikong kalusugan sa epekto ng ekonomiya ng bansa.
Dapat aniyang magsagawa ng economic risk assessment kasabay nang pagpapatupad ng decentralized coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing system sa pamamagitan ng public private collaborations.
Sinabi naman ni Senador Edgardo Angara na dapat gawing gradually o dahan dahan ang mga bagay bagay para makaiwas sa malakihang outbreak at payagan ang ilan pang essential services at industries na makapag operate sa ilalim ng mahigpit na mga panuntunan.
Iminungkahi naman ni Senador Joel Villanueva ang pag a alis ng quarantine protocols sa mga lugar na i-aassess pa rin sa usapin ng COVID-19 outbreak.
Bagamat papayagan ang ilang industriya na makapag operate inihayag ni Villanueva na dapat manatiling sarado muna ang mga mall at paaralan.
Kabilang naman sa factors ayon kay Senador Sherwin Gatchalian para i-modify o i-lift ang ECQ ay go signal mula sa medical experts, pagtataas ng testing capacity ng hanggang dalawampung libong test kada araw at flattened COVID-19 curve.
Binigyang diin naman ni Senate President Vicente Sotto III na dapat mapalawig ang ECQ hanggang ABRIL 30 kung hindi magiging maayos ang mass testing.
Samantala sa kamara naman pabor din sina Congressmen Alfredo Garbin, Mike Defensor at Angelica Natasha Co sa modified ECQ sa mga dahilang tinukoy din ng mga senador.
Una nang hinimok ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang inter agency task force na irekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang linggo pang pagpapalawig sa Luzon-wide lockdown matapos ang Abril 30. Ulat mula kina — Jill Resontoc at Cely Ortega-Bueno (Patrol 7 at 19)