Inalis na ng Local Government Unit ng Davao City ang modified liquor ban matapos ang isang taong paghihigpit sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Base sa Executive Order na inisyu ng Lokal na Pamahalaan, papayagan nang makapag benta ng mga alak o nakakalasing na inumin ang mga tindahan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-1 ng madaling araw.
Kabilang din sa mga papayagan ang mga establisyimento, mga Restaurant, bar, videoke, at Hotel pero ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alak sa mga parke, kalsada at eskinita.
Inalis na rin ang mga regulasyon sa lahat ng aktibidad ng Barangay maging ng Local at National offices.
Ang pag-alis ng restriksiyon sa nasabing lugar ay bunsod ng magkakasunod na araw ng mababang bilang sa arawang kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero