Nakatulong ang ipinatupad na Modified Number Coding Scheme sa lagay ng trapiko sa Edsa sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni Traffic Engineering Center Director Naomi Tibayan ng MMDA, mas mabilis umano ang naging daloy ng biyahe at naging maikli ang pila ng mga sasakayan sa naturang lugar.
Dagdag ni Tibayan, sa isinagawang initial assessment nila nuong nakaraang linggo, lumuwag ang trapiko dakong alas otso ng gabi habang bumilis naman ang travel speed.
Matatandaang ibinalik nuong December 1 ang Modified Number Coding Scheme mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi tuwing weekdays, maliban sa holidays kung saan tanging pribadong sasakyan lamang ang kasama rito.